DRWNRCMNT | you save my life everyday. Artists on Tumblr Doodles sez late night thoughts DIGITAL ART
Home LET's TALK Artists on Tumblr Doodles sez late night thoughts DIGITAL ART Word art love Archive

Masarap magblog kapag ganitong oras. Mas senti ang mood pero most likely puro totoong nararamdaman naman yung mababasa mo. Simula nung mga nakaraang araw tinatamad nako mag update ng kwento sa buhay ko kapag maaga pa. Hindi ko alam kung bakit pero tinatamad ako magkwento.

Hinahanap ko yung mga kaibigan ko. Minsan naisip ko mahirap kapag walang kaibigan pero mas mahirap pala kapag may kaibigan ka pero parang wala naman. Minsan  hindi din talaga masisi ang ibang tao kapag sinasabi nilang “nakalimot ka na” lalo na kung alam mo at nararamdaman mong ganun naman  na talaga nangyayari. 

 Sa school, okay naman ako. Normal naman. Tatamad tamad 
pero masipag naman kapag may dapat gawin. Medyo
napapadalas lang pagtulog ko sa Accounting class namin.
Every Tuesday yun at Thursday. May power nap ako lagi
kapag ganun although uwian na naman pagkatapos nun.
Hindi naman boring yung subject , siguro masarap lang
talaga matulog ng ganung oras. 

Sa personal na buhay ko, wala namang bago. Araw araw ganun padin ginagawa ko. Mas madalas umiikot naman mundo ko sa mga kaibigan ko. May mga bagong kaibigan ako na nakakausap. Ngayon chill lang muna ako. Hindi ko masyado pinoproblema ang isyu sa mga kaibigan ko. Hindi naman makakatulong yun.

Mas gusto ko ng masayang buhay. Sino bang may ayaw nun? Kaya chill lang. Tiwala lang.

Source:hesezrawr
Posted: 8th OF December 2012 | 12:39 AM
Currently With 27 notes
blog comments powered by Disqus
post notes
  1. hesezrawr posted this
©Dems Villanueva theme. CUSTOMIZED BY HESEZRAWR. Powered by Tumblr.
All content © - DRWNRCMNT / you save my life everyday.