
Bakit ba halos puro tungkol sa love ang topic ng mga blog posts?
Siyempre napansin mo na yan. At ang dahilan niyan? Malandi kasi mga bloggers. ‘De ganito kasi yan, ang usapang “love” sobrang lawak na topic niyan. Madaming posts tungkol sa love kasi madaming tao ang interesado sa love, kung ano yung pakiramdam ng mainlove, kung paano mo masasabi na in love ka, kung gaano kasakit mainlove at madami pang iba. Madaming posts tungkol sa love kasi lahat tayo nakaranas na ng love at gusto nating i-blog yun. Pwedeng love ng kaibigan, pamilya, karelasyon at mga kabet, ganun.
Hindi ko nga maintindihan minsan yung iba, bakit kaya nagrereklamo sila na puro tungkol sa love ang posts? Sa totoo lang konektado naman lahat sa love. Ang love ang isa sa pinakamasarap at pinakamasakit na topic na i-blog. Madami kasing gustong i-explain kung ano ba talaga yung love, pero tulad nga ng sabi ng iba, hindi mo maeexplain kung ano talaga ang love. Kasi ang love nag iiba iba yan sa bawat tao. Pero yung mga pinagsama samang explanation ng lahat ng tao sa buong mundo, yaan ang love. At ang pinaka importanteng form ng love ay ang pagmamahal ng Diyos sa atin. :)
If I were your boyfriend,
I won’t promise “forever”. I’d rather say “always”. I’ll always care for you. I’ll always make you happy for as much as I can. I’ll always love and protect you. And I’ll always be that one person to understand you when the rest of the world would never even seem to care. I will always be your man, your boyfriend, your best friend, a brother, and everything that you’ll need. I can’t be perfect but I will love you much more than I understand what love is. I will always be the person that you’d fall for everyday.
I won’t change for worse. I will make you feel loved every single moment of every day. And I won’t just say all these sweet words but do them for real. I will never unloved you - that will never be an option. When misunderstandings come to our way, I promise to be stronger, please do the same. I will keep our relationship, no matter what it takes. I won’t mind lowering my pride if it’s for our sake. I will always be the man that you loved since day one.
And when the time comes that you found yourself not in love with me anymore, which I hope God won’t ever permit, I won’t say anything. I won’t hate you. I will never hurt you back. I can’t. I never will. Hurting you will be the last thing on earth that I will ever do. It’s my privilege to get my heart broken by you. mwa ~
Ang pagmove on ay parang pagligo. Hindi pako nakakaligo. Kaya kong maligo pero hindi ko pa ginagawa. Yung mga bloggers kadalasan ang nahihirapan sa pagligo. Minsan kahit nakaligo ka na, may mangyayari tapos kakailanganin mo na naman maligo ulit. Yung mahal mo nakaligo na ikaw hindi padin nakakaligo. May mga taong mabilis maligo. may mga taong matagal maligo. Hindi pwedeng hindi ka maligo. Dadating yung time na dapat ka na talagang maligo. At kung sweswertehin, may taong dadating para samahan kang maligo. :-) mwa
“I wanted to be the last one she loved. And I knew I wasn’t I knew it, and I hated her for it, I hated her for not caring about me. I hated her for leaving that night, and I hated myself, too, not only because I let her go but because if I had been enough for her, she wouldn’t have even wanted to leave.”
Miles Halter of Looking for Alaska
Meow :3
Dadating din yung panahon na may magmamahal sa akin at hindi na niya ako iiwan. Hindi niya na ako kailangang iwan kasi mahal na mahal niya na talaga ako at ipapakita, ipaparinig at ipaparamdam niya yun araw araw. Hindi matatapos ang saya at hindi kami susuko sa problema. Hindi magsasawa na mahalin ang isa’t isa. :’( Hindi lilingon sa iba. Hindi magsisinungaling dahil ang pagmamahal ay pagiging totoo at pagtitiwala.
Kung hindi ngayong araw, bukas dadating yun, kung hindi padin, sa susunod na bukas. Weeks, months, years man ang dumaan, siya padin. Dahil ang totoong pagmamahal hindi nawawala. Dadating din sa buhay ko yung taong takot na mawala ako kasi mahal na mahal niya ako.
Isa na sa pinaka-selfless na kataga sa mundo ay yung “basta masaya siya, masaya na din ako.” .Sabi nung iba mali daw yung iasa mo sa ibang tao yung kasiyahan mo, kasi pano kapag iniwan ka daw nun? Pano kung mawala bigla sa buhay mo yung taong nagpapasaya sayo? Paano ka na? Ang hirap diba? Minsan ka na nga lang nakakakita ng magpapasaya sayo ang dami pang kokontra. Para saken ayos lang kahit maging motto ko sa buhay yung ganyan. kasi sa tingin ko ganun talaga eh, kapag maghal mo yung isang tao gusto mo masaya siya, sa ganung paraan sumasaya ka din naman kasi nakikita mo maayos yung mahal mo. Minsan kahit di pabor sayo alam kong naiisip mong “tama yung ginagawa ko.”
Hindi mo kailanman dapat saktan ang taong mahal mo.
Hindi ko kayang saktan yung taong mahal ko. Alam ko nakakasakit ako ng damdamin ng iba o minsan pati nung sa kanya, pero yung sasadyain ko na saktan siya? Hindi kaya ng konsensiya at puso ko. Kasi diba ganun yun? Kapag mahal mo ang isang tao dapat di mo siya sasaktan. Dapat alagaan mo siya at papasayahin. Dapat hindi mo hahayaang masaktan yung damdamin niya. Kasi kung sasaktan mo lang yung mahal mo, sana di mo na lang siya minahal. Hindi dahil sinaktan ka niya ay sasaktan mo siya pabalik. Kasi ang love hindi yan dapat nakakasakit. Dapat pinapasaya ka niyan, dapat positibo ang epekto sayo. Oo, nakakasakit yung napagsinungalingan ka, yung niloko ka, sobrang sakit yung ipagpalit ka, yung iwan ka. Pero ang love? Walang masakit sa pagmamahal. Hindi pagmamahal ang nakakasakit kundi yung factors na nakapalibot sa love. mwa
Sa pagmamahal ng isang taong hindi ka naman mahal mo masususkat kung gaano katibay yung sarili mo. Malalaman mo kung hanggang saan at kailan mo ba kayang magmahal. Darating yung panahon na masasabi mo sa sarili mong “hanggang dito na lang ako.”. Sabi nila mahina daw yung taong agad sumusuko, pero sa tingin ko wala sa hina yan, nasa totoong nararamdaman nakasalalay kung ipaglalaban mo ba yung nararamdaman mo o hindi na. Hindi lahat ng lumalaban ay matapang, at hindi lahat ng sumusuko ay mahina. Minsan mas matapang pa nga yung taong handang isuko ang nararamdaman niya, makita lang na masaya yung taong mahal na mahal niya.
Dear Friend or Someone who cares,
Have you ever loved someone so much that it made you cry? I once thought that I can take everything by myself. I never expected that heart break would cause me this much. I’m strong, I thought I am until one day, someone broke everything I believe in about my strength. I’m disappointed with myself, not keeping my promises and breaking a relationship that I have ever wished for in my life to come. I tried my best to keep my words and hold on. But if she’s the one who gave up on me, what would I do? I can never keep someone who have fallen out of love from me. I can never fight for someone who wasn’t there anymore. I can only take so much. And this has been more than that.
I failed. It was my responsibility as her man to make everything okay. But I never did. I tried but trying isn’t enough sometimes. Maybe it was my fault, i’m so easy to let go. I’m so easy to be forgotten. Despite the love, care and trust, I was left here in love with someone who have already fallen out of love from me. I thought everything is fine until one day I woke up and love has faded. I’m helpless. I can’t force someone to stay beside me no matter how badly I want to. I can’t make her stay. It would be selfish of me. She’s all that I have. Now, she’s out of my life. :’( I hope God would let our hearts meet again someday. When that time comes, I hope it’s the love that would last a lifetime. Forever and always, it would still be you, only you. ∞
Wag kang matakot na magbigay ng pagmamahal kahit hindi ka sigurado kung mahal ka din niya. Para sa huli hindi man niya masuklian yung pagmamahal mo, alam mong hindi ka nagkulang.
"The one who got away."
Yan yung tawag sa taong mahal na mahal mo, naging masaya kayo, nagkaroon ng romantic relationship pero hindi nagtagal. Yung nagmahalan kayo pero hindi naman meant to stay forever. Siya yung kung may second life ka, hihilingin mo na sana kayo ang magkatuluyan. Siya yung taong dumaan lang sa buhay mo para pasayahin ka at iparamdam na may taong kaya kang mahalin ng lubusan. Siya yung nagparamdam sayo na ayos lang kahit hindi ka perpekto, kahit hindi palaging maayos buhok mo, kahit di ganung kagaling pumorma, kahit weird ka, kahit di ganun kagaling magjoke at simple ka lang ay may tatanggap at magpapahalaga sayo. Siya yung taong mamahalin mo higit kanino pa man na kahit lumipas pa man ang napakatagal na panahon ay mananatili padin siya sa puso mo. Siya yung kahit hindi mo na nakakausap katulad ng dati at hindi mo na nakakasama may space padin siya sa puso mo. Siya yung taong mamahalin mo habambuhay, kahit hindi na pwedeng maging kayo, kahit pa gaano niyo kagusto. :’(
Akala ko dati kapag naging faithful ka sa isang relasyon, magiging okay na ang lahat. Yung kapag naging ideal partner ka eh magiging maayos yung takbo ng relationship niyo. Naisip ko dati, magiging mabait ako, magiging maunawain, magiging mapagtiwala at mas mapagmahal. Naging ganun ako, kasi mahal na mahal ko eh. Normal lang naman yung takbo ng lahat. Hindi ko naman kinailangang magbago kasi dahil sa kanya nagawa ko yun effortlessly. Sa tingin ng karamihan, maswerte na kami at hindi na maghihiwalay. Pero wala talaga eh, hindi mo hawak ang puso ng taong mahal mo. Hindi dahil masaya, pinagkakatiwalaan mo at nagmamahalan kayo ay sapat na yun. Ang hirap nung akala mo okay na ang lahat tapos bigla nalang mawawala. Mahirap. Masakit. Hindi mo na alam kung saan ka pa nagkulang.
Hihintayin ko nalang yung panahon na bibisita ako sa blog mo at wala na akong mararamdamng kakaibang feeling. Tama, yun nalang siguro. Hahayaan ko nalang na kusang mawala yung nararamdaman ko. Although nabawasan na para kasing may kung anong kakaibang feeling yung kapag nakikita ko yung pangalan mo, yung pictures mo, pictures natin :’( , yung mga conversations at yung mga posts na para sa isa’t isa. Ang hirap magmahal ng blogger din. Kasi ang daming magpapaalala sayo ng lahat nung mga moments na mahal na mahal niyo pa ang isa’t isa. Hayyy tumblr, anong ginawa mo sa puso ko? #MedyoMayPinaghuhugutan